Naka-ilang lipat ka na ng flat o villa?

Indeed, nothing lasts forever, as that clichéd Pinoy “hugot” goes, and as living in accommodations has become a way of life in the UAE for most OFWs – in fact, for a large segment of the expat community – moving, or shifting as it is more popularly referred to, is as integral to living in the country as working, dining out on a payday, or even weekend laundry, is.

Why? Because one doesn’t stay in one place for long; usually a new accommodation is found, which has better offers or is in a more convenient place considering work… the list goes on, including “levelling up


Rolando Policarpio Jr. Banker, 10 years in UAE
Sa 10 taon ko dito sa UAE, Nakaka-9 na lipat na ako. Iba’t iba yung mga rason kung bakit lumilipat kami – nandyan yung nagtataas ng presyo, o di na nirerenew ng may ari ang flat, o kaya naman may nahapan na mas mura at mas malaki at yung isang beses, due to call of work na mas malapit sa trabaho yung accommodation.


Abelarda I. Gamboa, Housemaid, 8 years in UAE
Since live in naman ako at iisang amo ang tinirahan ko –2 beses pa lang kami naghanap ng bagong malilipatan dahil sa pangangailangan ng amo ko.


Lorna Edol Cheng, Babysitter, 10 years in UAE
Nakakatatlong lipat na po ako. Lumilpat po ako dahil gusto ko yong tahimik at puro lang kabayan ang kasama.


Edita E. Bautista, HR & Administration Coordinator, 11 years in UAE
7 times na akong nakakalipat ng flat. Unang rason ko kung bakit ako lumilipat – para mas malapit sa trabaho ko yung location ng flat, and second reason ko ay para sa mas maayos at komportableng room na matitirhan.


Mitchelle L. Millana, Senior HR Executive, 9 years in UAE
11 times na akong naglilipat-flat. Kapag lumilipat ako, ito ay para naman sa convenience ko at pumipili din ako ng lugar na malapit-lapit sa kung saan ako nag ta-trabaho.